Washington State

Office of the Attorney General

Attorney General

Bob Ferguson

Pangkalahatang-ideya

Ang Public Counsel Unit (Unit ng Tagapayo para sa Publiko) ng Washington Attorney General’s Office (AGO, Tanggapan ng Punong Abogado ng Washington) ay kumakatawan sa mga customer ng mga kompanya ng utility na pinangangasiwaan ng estado at pagmamay-ari ng investor sa mga usapin sa harap ng Washington Utilities and Transportation Commission (WUTC, Komisyon sa mga Utility at Transportasyon ng Washington), hukuman ng estado, at ng lehislatura. Ang misyong gumagabay sa amin ay ang tiyaking patas at makatuwiran ang mga rate na sinisingil ng mga pinangangasiwaang utility at nakakapagbigay ang mga ito ng ligtas at maaasahang serbisyo. Kasama sa mga pinangangasiwaang utility ang mga kompanya ng telecommunications, gaya ng Lumen Technologies (CenturyLink) at Frontier; mga kompanya ng koryente at gas, gaya ng Puget Sound Energy, Avista Utilities, at PacifiCorp; at mga kompanya ng gas gaya ng Northwest Natural at Cascade Natural Gas.  Ang Public Counsel Unit ay lumalahok din, o awtorisado ng batas na lumahok, sa mga usapin ng tubig, transportasyon, at mga tubo sa harap ng WUTC. Ang aming pangkat ay binubuo ng tatlong abogado, apat na regulatoryong tagasuri, isang paralegal, at dalawang legal assistant.

Background tungkol sa Public Counsel

Inatasan ng lehislatura ang Attorney General’s Office (AGO, Tanggapan ng Punong Abogado ng Washington) na “ikatawan ang at humarap para sa mga tao ng estado ng Washington” sa mga regulatoryong usapin sa ilalim ng Title 80 at 81 Revised Code of Washington (RCW, Binagong Kodigo ng Washington).  (RCW 80.01.100, 80.04.510, at 81.04.500.)  Ikinakatawan ng Public Counsel Unit (Unit ng Tagapayo para sa Publiko) Unit ang mga customer na residensiyal at maliliit na negosyo ng mga utility ng koryente, natural gas, at telecommunications na pinangangasiwaan ng estado at nagpapatakbo sa Washington.  Ang Public Counsel ay hindi lumalahok sa mga usaping may kinalaman sa mga utility na pagmamay-ari ng publiko, gaya ng Seattle City Light o ng Snohomish Public Utility District, dahil hindi pinangangasiwaan ng estado ang mga utility na pagmamay-ari ng publiko. Awtorisado ng batas ang Public Counsel na ikatawan ang publiko sa mga isyu sa transportasyon, mga tubo at tubig sa harap ng Washington Utilities & Transportation Commission (WUTC, Komisyon sa mga Utility at Transportasyon ng Washington), kasama na ang mga isyung may malaking epekto sa kaligtasan ng publiko.

Sa usapin ng mga utility, isinusulong ng Public Counsel ang kapakanan ng mga customer sa mga kaso sa harap ng WUTC na may kinalaman sa mga rate ng utility, pagsasanib at pagbili ng ibang kompanya, programa sa pagtitipid ng enerhiya, kalidad ng serbisyo, at iba pang usapin sa patakaran. Kung hangad ng isang pinangangasiwaang utility na baguhin ang mga rate na sinisingil sa mga customer, sisiyasatin ng Public Counsel ang hiling ng Kompanya at kadalasan ay magtatalaga ng mga ekspertong saksi na susuri sa hiniling na pagbabago sa rate. Ang Public Counsel ay maghahain ng nakasulat na testimonya ng mga ekspertong saksi nito, magtatanong sa mga ekspertong saksi ng ibang partido, at maghahain ng mga legal brief sa ngalan ng mga customer.

Kalahok ang Public Counsel sa paggawa ng WUTC ng mga patakaran sa pamamagitan ng pagkomento sa mga draft na patakaran ng ahensiya at pagbibigay ng mga rekomendasyon sa pamamalakad. Ang Public Counsel ay kalahok din ng mga grupo para sa teknikal na pamamalakad at ng mga tagapayo na binuo ng UTC o ng mga utility, naglalayon itong masuri ng hukuman ang mga pagpapasya ng Komisyon kung naaangkop, at maaari itong magpatnubay sa Lehislatura at iba pang tagagawa ng patakaran.

Walang kawanihan ang Public Counsel na nakatalagang tumugon sa mga indibidwal na reklamo o tanong. Hinihikayat namin ang mga consumer na nangangailangan ng partikular na tulong (hal., isang reklamo sa partikular na serbisyo o pagsingil) na makipag-ugnayan sa Consumer Protection and Communications Section (Seksiyon sa Pagprotekta at Pakikipag-ugnayan sa Consumer) ng WUTC. Maaari silang makaugnayan sa pamamagitan ng telepono sa 1-888-333-WUTC (9882), ng pag-email sa comments@utc.wa.gov o ng pagsulat sa UTC sa P.O. Box 47250, Olympia, WA 98504.

Citizen Advisory Committee

Nang binuo ng dating Attorney General na si Ken Eikenberry ang Public Counsel Unit (Unit ng Tagapayo para sa Publiko) noong 1983, ginawa rin niya ang Citizen Advisory Committee (CAC, Komite ng mga Mamamayang Tagapayo) upang maisali ang mahahalagang bahagi ng publiko.  Kasama sa mga miyembro ng CAC ang mga grupo ng maliliit na negosyo, may mababang kita, nakakatanda at nangangailangan ng pangmatagalang pangangalaga, pangkapaligiran, para sa paggawa at pang-agrikultura, at kinakatawan nila ang iba't ibang interes sa buong estado.  Nagbibigay ang CAC ng impormasyon sa Public Counsel hinggil sa kanilang mga interes at alalahanin. Nakikipagpulong ang CAC sa Public Counsel kada quarter upang talakayin ang mga isyu ng UTC na nakakaapekto sa mga ikinakatawang sektor.

Kung interesado ang iyong organisasyon sa ginagawa ng CAC, mangyaring magpadala ng email sa utilities@atg.wa.gov.

Input mula sa Publiko

Mga Oportunidad para sa Pagkomento ng Publiko

Ang Washington Utilities and Transportation Commission (WUTC, Komisyon sa mga Utility at Transportasyon ng Washington) ay nanghihingi ng mga komento mula sa publiko kapag nagpapasya tungkol sa rate, serbisyo, at paghahain ng patakaran. Maaaring makagawa ng pagbabago ang iyong boses. Maaaring ibigay ang mga komento nang personal, sa isang pagdinig sa mga komento ng publiko, sa isang bukas na pagpupulong, nang nakasulat, o sa pamamagitan ng pagsusumite ng form para sa komento online. Sa mga pangunahing kaso ng WUTC, isinasama ang lahat ng isinulat at binigkas na komento sa talaan ng ebidensiya para sa kaso.

Paano Magkomento

Ang mga komento ng consumer tungkol sa mga kaso ng rate, pagsasanib, paggawa ng patakaran, bukas na pagpupulong at iba pang kaso ay nagbibigay ng makabuluhang input sa Komisyon kapag sila ay nagpapasya.  Kapag nagbibigay ng mga komento, dapat mong isama ang UTC Docket Number ng usaping kinokomentuhan mo. Maaari kang magsumite ng mga komento sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Washington Utilities and Transportation Commission (WUTC, Komisyon sa mga Utility at Transportasyon ng Washington):

  • Sa pamamagitan ng pagsulat sa: P.O. Box 47250,Olympia, WA 98504-7250

Mangyaring maglagay ng babalikang address at ng paglalarawan tungkol sa dokumentasyon;

  • Sa pamamagitan ng pag-email sa comments@utc.wa.gov;
  • Online sa pamamagitan ng pag-click dito; o
  • Sa pamamagitan ng pagtawag sa toll-free na 1-888-333-WUTC (9882).

Ano ang Dapat Asahan sa isang Pampublikong Pagdinig

Ang mga Komisyonado (isang komisyong may tatlong miyembrong itinalaga ng Gobernador at kinumpirma ng Washington State Senate (Senado ng Estado ng Washington)) ay maaaring magbiyahe papunta sa lugar ng serbisyo ng Kompanya upang mangalap ng opinyon at input mula sa publiko sa isang Pagdinig sa mga Komento ng Publiko. Hindi mo kailangang maging eksperto sa pangangasiwa ng utility upang makapagbigay ng komentaryo, ngunit maaari mong ilarawan kung paano ka maaapektuhan ng pinag-uusapang panukala ng Kompanya. Mahalaga ang mga komento ng publiko sa mga Komisyonado dahil may makabuluhang impormasyon ang mga nagbabayad ng rate tungkol sa kalidad ng serbisyo ng isang kompanya.  Maaari kang dumalo sa isang pagdinig upang mag-obserba, o maaari kang magbanggit ng mga komento sa harap ng mga Komisyonado. Magbibigay ka ng sinumpaang salaysay, at itatala ng isang tagaulat ng hukuman ang iyong mga sasabihin.  Pagkatapos ay magiging bahagi ng talaan ng ebidensiya ang mga komento. 

Impormasyon tungkol sa mga Kaso at Pagdinig kaugnay ng Rate

Mga Sheet ng Impormasyon tungkol sa Kaso ng Public Counsel

Pana-panahong mag-iiskedyul ang Washington Utilities and Transportation Commission (WUTC, Komisyon sa mga Utility at Transportasyon ng Washington) ng Mga Pagdinig sa mga Komento ng Publiko sa iba-ibang paglilitis ng kaso. Inihahanda ng Public Counsel (Tagapayo para sa Publiko) ang mga sheet ng impormasyon tungkol sa kaso para sa mga customer at miyembro ng pangkalahatang publiko na gustong makilahok sa mga pampublikong pagdinig na ito. Dahil sa mga paghihigpit sa COVID-19, isinasagawa lang ang mga pagdinig sa mga komento ng publiko sa paraang virtual, sa ngayon. Maaaring dumalo ang mga customer at ang pangkalahatang publiko sa pamamagitan ng telepono o ng kanilang computer gamit ang impormasyong naka-link dito.

Tulong para sa Consumer

Mga Reklamo Hinggil sa mga Pinangangasiwaang Serbisyo ng Utility (Telecommunications, Gas, at Koryente)

Pinangangasiwaan ng Washington Utilities and Transportation Commission (WUTC, Komisyon sa mga Utility at Transportasyon ng Washington) ang mga rate at serbisyo ng mga kompanya ng utility at transportasyon na pagmamay-ari ng pribadong tao o investor. Kasama na sa mga ito ang mga kompanyang gaya ng Avista, Puget Sound Energy, PacifiCorp, Cascade Natural Gas, at NW Natural Gas. Ang mga espesyalista sa pagprotekta ng consumer ng WUTC ay tumutulong na lutasin ang mga hindi pagkakaunawaan sa pagsingil, reklamo sa serbisyo, abiso ng pagdiskonekta, at iba pa. Pakitandaan na ang WUTC ay hindi tumatanggap ng mga reklamo hinggil sa mga public utility district (PUD) o munisipal na utility. Kung ang iyong serbisyo ay ibinibigay ng isang public utility district o munisipal na utility, kailangan mong makipag-ugnayan sa iyong provider para sa tulong. Para sa detalyadong listahan ng reklamong tinatanggap ng UTC, pakibasa ang Kailan Dapat Tawagan ang Komisyon.

Mga Reklamo Hinggil sa mga Hindi Pinangangasiwaang Serbisyo ng Utility

Ang mga utility na pinapatakbo bilang mga public utility district (PUD, distrito ng pampublikong utility), kooperatiba (co-op), at munisipal na utility ay hindi pinangangasiwaan ng WUTC, at hindi kasali ang  Public Counsel Unit (Unit ng Tagapayo para sa Publiko) Unit (Unit ng Tagapayo para sa Publiko) sa mga usaping patungkol sa mga ganitong uri ng utility. Ang mga customer ng PUD, munisipal, o co-op na utility ay dapat makipag-ugnayan nang direkta sa kanilang provider para sa anumang isyu sa pagsingil o sa kalidad ng serbisyo.  

Ang mga PUD ay mga munisipal na korporasyon na pinapatakbo ng mga komisyonado ng PUD na inihalal ng mga nakatira sa isang distrito. Kung may reklamo ka hinggil sa isang PUD, makipag-ugnayan sa iyong lokal na Lupon ng mga Komisyonado ng PUD.

Ang mga Munisipal na Kompanya ng Koryente, gaya ng Seattle City Light, ay pagmamay-ari at pinapatakbo ng isang lungsod. Ang mga reklamo tungkol sa mga ganitong uri ng utility ay dapat idirekta sa pamahalaan ng lungsod, na kadalasan ay ang konseho ng lungsod, o maaari kang makipag-ugnayan nang direkta sa utility.

Ang mga Kooperatiba ay pagmamay-ari ng kanilang mga miyembro. Sa pangkalahatan, bumubuo ang mga indibidwal ng mga co-op kapag nakatira sila sa labas ng lugar ng serbisyo ng ibang provider ng koryente. Dapat gawin ang mga reklamo nang direkta sa co-op o sa Sentro ng Dulugan para sa Consumer sa Attorney General’s Office (AGO, Tanggapan ng Punong Abogado ng Washington).

Magsumite ng Reklamo sa UTC

  • Tumawag sa toll-free na numerong 1-888-333-WUTC (9882);
  • Maghain ng electronic na form ng reklamo rito;
  • Mag-email sa consumer@utc.wa.gov; o
  • Sumulat sa UTC sa P.O. Box 47250, Olympia, WA 98504.

Tulong sa mga Bill ng Enerhiya

Ang pagtitipid ay tuwiran at kadalasan ay simple lang na paraan para mabawasan ang gastusin sa enerhiya. Nag-aalok ang WUTC ng mga tip tungkol sa kung paano makakatipid ng enerhiya sa iyong bahay. Maraming utility ng gas at koryente ang nag-aalok ng mga programa sa pagtitipid ng enerhiya sa mga customer. Gayunpaman, sa maraming sitwasyon, hindi sapat ang pagtitipid sa paggamit ng enerhiya upang makaagapay.

Maraming residente ng Washington ang may kinakaharap na mahihirap na sitwasyong pinansyal at nangangailangan ng tulong. Karaniwang may mga pondong magagamit para sa mga utility na tumutulong na bawasan ang pasaning hatid ng mga buwanang bill sa enerhiya para sa mga customer na may mga kwalipikadong antas ng kita. Makipag-ugnayan sa iyong utility kung nagkakaproblema ka sa pagbabayad sa iyong bill ng koryente o natural gas. Bukod pa rito, ang Low Income Home Energy Assistance Program (Programa sa Pagtulong para sa Enerhiya sa Bahay ng mga May Mababang Kita) ng Washington ay nagbibigay ng pederal na tulong para sa mga customer ng enerhiya na nakakatugon sa mga kinakailangan para sa kita at sa iba pang kwalipikasyon. Ang website ng Energy Assistance Program ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa tulong sa rate para sa bawat county, kasama na ang mga munisipal, co-op, at pinangangasiwaang utility.

Bukod pa rito, ang mga programa sa pagsingil nang nasa budget ay nakakabawas sa pasaning hatid ng mas malalaking bill ng enerhiya sa panahon ng taglamig sa pamamagitan ng paniningil sa mga customer ng buwanang pirming bayarin batay sa karaniwang antas ng paggamit.

Tulong sa Telepono

Ang mga bill ng telepono ay maaaring kumplikadong basahin at intindihin. Ang Gabay sa Iyong Bill ng Telopono na ito ay tumutulong na ipaliwanag ang mga serbisyo, singilin, bayarin at buwis na maaari mong makita sa iyong bill ng landline na telepono.

Mayroong Lifeline Program (Programang Pansagip) para sa mga customer na may kwalipikadong kita. Para sa iba pang impormasyon, mangyaring pumunta sa website ng Federal Communications Commission (FCC, Pederal na Komisyon sa mga Pakikipag-ugnayan).

Pangkalahatang Impormasyon para sa Consumer

Nagbibigay ang WUTC ng mga karagdagang dulugan para sa consumer sa Mga Lathalain para sa Consumer nito, na sumasagot sa maraming bagay na madalas itanong hinggil sa mga kompanya ng koryente, gas, telepono, at tubig na pinangangasiwaan ng WUTC.

Bukod pa rito, nag-aalok ang Federal Communications Commission (FCC, Pederal na Komisyon sa mga Pakikipag-ugnayan) ng makabuluhang impormasyon at tulong sa mga customer. Ang Consumer & Governmental Affairs Bureau (CGB, Kawanihan ng mga Usaping Pang-consumer at Panggobyerno) ang bumubuo at nagpapatupad sa mga patakaran ng Komisyon para sa consumer, kasama na ang access para sa mga may kapansanan. Ang CGB ang pampublikong mukha ng FCC na kumikilos sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pagtuturo, at sa pamamagitan ng Sentro para sa Consumer, na siyang may pananagutang tumugon sa mga tanong at reklamo ng consumer.

Saklaw ng FCC ang mga serbisyo ng telecommunications, internet, radyo, satellite dish, pag-broadcast sa telebisyon at sa cable, at ng cellular phone. Nananatili ring nakikipagtulungan ang CGB sa mga gobyernong pang-estado, lokal, at pangtribo sa mahahalagang larangang gaya ng paghahanda para sa emergency at pagpapatupad ng mga bagong teknolohiya. Para sa iba pang impormasyon, i-click ito.

Makipag-ugnayan sa Amin

Mga Tanong sa Public Counsel

Pakitandaan: Ang Public Counsel Unit (Unit ng Tagapayo para sa Publiko) ng Washington Attorney General’s Office (Tanggapan ng Punong Abogado ng Washington) ay kumakatawan sa mga interes ng residensiyal at maliliit na negosyo sa mga paglilitis sa utility sa harap ng Washington Utilities and Transportation Commission (WUTC, Komisyon sa mga Utility at Transportasyon). Ang mga utility lang ng telepono, koryente at natural gas na pagmamay-ari ng mga investor o stockholder ang pinangangasiwaan ng estado at samakatuwid ay sakop ng Public Counsel; ang tanggapan ay hindi awtorisadong tumugon sa mga isyu para sa mga customer ng mga utility na pagmamay-ari ng publiko (hal. mga public utility district (PUD, distrito ng pampublikong utility), co-op, at munisipal gaya ng Seattle City Light).

Bukod pa rito, walang kawanihan ang Public Counsel na nakatalagang tumugon sa mga indibidwal na reklamo o tanong na may partikular na katangian (hal., isang reklamo sa partikular na serbisyo o pagsingil). Ang mga customer ng mga pinangangasiwaang utility na gustong maghain ng reklamo ay dapat makipag-ugnayan sa WUTC.

Ang mga pangkalahatang tanong hinggil sa panganagsiwa ng mga pampublikong utility o paglahok ng Public Counsel sa mga paglilitis ng UTC ay maaaring idirekta sa:

Attorney General's Office
Public Counsel Unit
800 Fifth Ave. Suite 2000
Seattle, WA. 98104-3188

Telepono: (206) 464-7744
Fax: (206) 464-6451
Email: utility@atg.wa.gov