Ipinapaliwanag ng flyer na ito na may isang pahina ang kahulugan at mga uri ng seksuwal na panliligalig o pangha-harass, mga pangangailangan para sa mga employer at mga hakbang na magagawa ng mga empleyado kung nakararanas sila ng seksuwal na panliligalig, at available ito sa Ingles at Espanyol.
Ang seksuwal na panliligalig ay isang uri ng ilegal na diskriminasyon sa kasarian kung saan kabilang ang mga hindi tinatanggap na seksuwal na pananamantala, kahilingan para sa seksuwal na pabor, at iba pang pananalita o pisikal na gawaing nakabase sa pagtatalik. Ilegal ang lahat ng uri ng seksuwal na panliligalig, at maaaring managot ang mga employer sa pag-uugaling ito kung hindi nila gagawin ang mga naaangkop na hakbang para matugunan ito. Ang mga employer ay dapat:
- Magbigay ng mga pamamaraan sa pag-uulat ng mga reklamo para sa mga empleyadong nakaranas ng seksuwal na panliligalig;
- Lubos at agad na mag-imbestiga ng mga reklamo sa seksuwal na panliligalig; at
- Gumawa ng agaran at epektibong aksyon para maalis ang higit pang seksuwal na panliligalig sa lugar ng trabaho.
Nagbibigay din ang flyer ng mga hakbang para sa mga empleyado kung nakasaksi o nakaranas sila ng seksuwal na panliligalig. Para matugunan ang labag sa batas na pag-uugaling ito, maaaring gawin ng mga empleyado ang mga sumusunod:
- Ipabatid sa nanliligalig o sa kanilang tagapamahala na hindi tinatanggap ang nakakasakit na pag-uugali;
- Agad na isumbong ang (mga) insidente sa pangasiwaan o sa departamento ng human resources; at/o
Iulat ang panliligalig sa mga sumusunod na ahensiya ng gobyerno: Washington State Attorney General’s Office (Tanggapan ng Attorney General ng Estado ng Washington), Washington State Human Rights Commission (Komisyon ng Mga Karapatang Pantao ng Estado ng Washington), at/o U.S. Equal Employment Opportunity Commission (Komisyon ng U.S. sa Magkakapantay na Pagkakataon sa Trabaho).